跳到主要内容

Tagalog

Pagtatanggi

Ang bersyon ng Tagalog ng Punong Ehekutibo na website ay naglalaman lamang ng mga napiling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino, o Simplified na Tsino.

Pambungad na Bati

Chief Executive, John Lee

Sa mahalagang sandaling ito, habang sinisimulan ng Hong Kong ang bagong landas mula sa katatagan patungo sa kasaganaan, kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagbabalik nito sa Inang Bayan, labis akong pinararangalan na mahalal at italaga ng Central People's Government bilang pang-anim na Punong Ehekutibo ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), at lubos kong nauunawaan ang malaking responsibilidad na kalakip ng posisyong ito. Gagawin ko ang lahat ng pagsisikap na pamunuan ang pamahalaan ng HKSAR sa ika-anim na termino upang ganap at wastong ipatupad ang prinsipyo ng "One Country, Two Systems", "Hong Kong people administering Hong Kong", at isang mataas na antas ng awtonomiya alinsunod sa Batayang Batas.

Ang matagumpay na pagpapatupad ng "One Country, Two Systems" ay napatunayang pinakamahusay na institusyong pananggalang para sa pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong mula nang bumalik ito sa Inang Bayan. Matapos ang kaguluhan sa nakalipas na mga taon, nakamit ng Hong Kong ang isang mahalagang pagbabago mula sa kaguluhan patungo sa kaayusan, at ngayon ay nasa kritikal na yugto ng pagsulong tungo sa kasaganaan. Ang matatag na pundasyon ng pag-unlad ng Hong Kong ay bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng ating mga mamamayan ng Hong Kong sa bawat henerasyon. Sa aking panunungkulan bilang Punong Ehekutibo, gagamitin ko ang tamang pagkakataon sa susunod na limang taon upang isulong ang pag-unlad ng Hong Kong mula sa katatagan tungo sa mas malaking kasaganaan. Isusulong ko ang pamahalaang nakasentro sa mga tao at bibigyang-diin ang pangangailangang gumamit ng pamamaraang nakatuon sa resulta sa paglutas ng mga suliranin para sa mga mamamayan. Sa pamamagitan ng pamahalaang nakasentro sa mga tao, matibay ang aking paniniwala na makapagbibigay tayo ng maayos na kalagayan at mga oportunidad para sa pag-unlad upang ganap na maibahagi ng mga tao ang bunga ng ating tagumpay. Ang ikaanim na termino ng Pamahalaan ng HKSAR ay magkakaisa at praktikal na papaghusayin ng bisa ng pamamahala at pataasin ng pandaigdigang kakayahang makipagkumpetensya ng Hong Kong. Ito rin ay magbibigay katiyakan sa tiwala ng publiko at mababawasan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng trabaho at gawa, tungo sa pagbuo ng Hong Kong bilang isang mas maayos na tirahan at bukas na lungsod kung saan namamayani ang pagtitiwala sa isa't isa at pag-asa.

Sa pamamagitan ng website na ito, nais kong ipaalam sa inyo ang higit pa tungkol sa aking pamamahala at hinaharap na direksyon ng mga gawain, at upang mas mabuting komonekta sayo. Magkaisa tayo upang simulan ang bagong kabanata sa Hong Kong!

signature

John KC Lee
Chief Executive
Hong Kong Special Administrative Region

Talambuhay

Mr John KC Lee, GBM, SBS, PDSM, PMSM

Si Mr John Lee ay ipinanganak noong 1957. Sumali siya sa Hong Kong Police Force noong 1977 bilang Probationary Inspector ng Police at na-promote bilang Deputy Commissioner ng Police noong 2010. Naglilingkod siya sa iba't ibang posisyon sa Force, kabilang ang Assistant Commissioner (Crime), Director of Crime and Security, at Deputy Commissioner (Management). Mayroon siyang Master's degree sa Public Policy and Administration mula sa Charles Sturt University sa Australia.

Si Mr Lee ay hinirang bilang Under Secretary for Security noong 2012 at Secretary for Security noong 2017. Sa panahon ng kanyang serbisyo sa Security Bureau, siya ang responsable sa pagbuo ng mga patakarang pang-seguridad na sumasaklaw sa batas at kaayusan, kontrol sa imigrasyon at customs, fire at emergency rescue services, mga serbisyong koreksyonal, serbisyong panghimpapawid ng gobyerno, at iba pang larangan. Pinangasiwaan din niya at kinordinahan ang gawain ng anim na departamento ng disciplined services at dalawang auxiliary forces sa ilalim ng Bureau.

Si Mr Lee ay hinirang bilang Punong Kalihim para sa Administrasyon noong 2021. Bukod sa pagtulong sa Punong Ehekutibo sa pamamahala ng mga polisiya, si Mr Lee ay responsable rin sa pangangasiwa ng trabaho ng siyam na tanggapan ng polisiya, pagsasaayos ng mga gawain na sumasaklaw sa iba't ibang tanggapan at departamento, gayundin sa pagpapalakas ng magandang relasyon sa pagitan ng mga Awtoridad ng Ehekutibo at ng Lehislatura.

Si Mr Lee ay nanalo sa Halalan para sa Chief Executive Election of the Hong Kong Special Administrative Region noong 8 Mayo 2022, at itinalaga bilang ika-anim na terminong Punong Ehekutibo ng Central People's Government noong 20 Mayo 2022. Si Mr Lee ay opisyal na nanungkulan noong 1 Hulyo 2022.